Mark Bautista - Ngayon At Kailan Man (Now & Whenever)

 (versiyon 1)
Metin boyutu: ( + Büyült ) ( - Küçült)   
Ngayon at Kailan man...

Sumpa ko'y iibigin ka, ngayon at kailan man

Hindi ka na mag-iisa, ngayon at kailan man

Sa hirap o ginhawa pa

asahang may kasama ka sinta



Naroroon ako tuwina

Maaasahan mo tuwina

Ngayon at kailan man...



Dahil kaya sa 'yo,

Nang maitadhanang ako'y isilang sa mundo

Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo,

Upang ngayon at kailan man ikaw ay mapaglingkuran

Hirang...



Bakit labis kitang mahal?

Pangalawa sa May Kapal

Higit sa 'king buhay...



Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag

Lalong tumatamis, tumitingkad

Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon,

Nadaig ng bawat bukas...



Malilimot ka lang,

Kapag ang araw at bituin ay hindi na matanaw,

Kapag tumigil ang daigdig at hindi na gumalaw,

Subalit isang araw pa matapos ang mundo'y

magunaw na



Hanggang doon magwa-wakas,

Pag-ibig kong sadyang wagas,

Ngayon at kailan man...



Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag

Lalong tumatamis, tumitingkad

Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon

Nadaig ng bawat bukas...



Labis kitang mahal...

Tangi sa May Kapal...

Labis kitang mahal...

Ngayon...at kailan man...

Ngayon at kailan man...


Bu döküman AkorMerkezi.com'da yayınlanmıştır. http://www.akormerkezi.com


İçerik Kısa Linki:


Beğendiniz mi? Ngayon At Kailan Man (Now & Whenever) Sözleri sayfasını Şimdi paylaşın: