Parokya Ni Edgar - Alumini Homecoming

 (versiyon 1)
Metin boyutu: ( + Büyült ) ( - Küçült)   
Napatunganga nung bigla kitang nakita 

Pagkalipas ng mahabang panahon.

Highschool pa tayo nung una kang nakilala

At tandang tanda ko pa

Noon pa ay sobrang lupit mo na!

Hindi ko lang alam kung pano,

Basta biglang nagsama tayo

Di nagtagal ay napaibig mo ako!

Mula umaga hanggang uwian natin lagging 

Magkasama tayong dalawa.



Parang kahapon lang nangyari 

Sa kin ang lahat

Parang isang dulang medyo romantiko

Ang banat

Ngunit nung napag-usapan, 

Bigla nalang nagkahiyaan

Mula noon hindi na tayo nagpansinan!



Chorus:

Bakit ko ba pinabayaan

Mawala ng hindi inaasahan

Parang nasayang lang.

Nawala na at wala nang nagawa!!!



Panay ang plano,

Ngunit panay ang urong at

Inabot na ng dulo ng taon!

Graduation natin nung biglang

Nag-absent partner ko.

TADHANA NGA NAMAN!

Naging mag-partner tayo!

Eksakto na ang timing!

Planado na ang sasabihin!

Ngunit hanggang huli, wala akong

Nasabi!



Chorus:

Bakit ko ba pinabayaan

Mawala ng hindi inaasahan

Parang nasayang lang.

Nawala na at wala nang nagawa!!!



Napatunganga nung bigla kitang nakita

Pagkalipas ng mahabang panahon.

Sobrang alam ko na an aking sasabihin

At ako'y napailing sa ganda ng ngiti mo sa'kin

At nung ikaw ay nilapitan

Bigla na lang napaligiran ng iyong mga anak

Sa pangit mong asawa 



Chorus:

Bakit ko ba pinabayaan

Mawala ng hindi inaasahan

Parang nasayang lang.

Nawala na at wala nang nagawa!!!



Chorus:

Bakit ko ba pinabayaan

Mawala ng hindi inaasahan

Parang nasayang lang.

Nawala na at wala nang nagawa!!!


Bu döküman AkorMerkezi.com'da yayınlanmıştır. http://www.akormerkezi.com


İçerik Kısa Linki:


Beğendiniz mi? Alumini Homecoming Sözleri sayfasını Şimdi paylaşın: